Abante Tonite Interactive

BJMP: Mga bilangguan ligtas sa virus

440

Tiniyak ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na ligtas pa rin sa kontaminasyon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang mga bilangguan sa bansa.

Ayon kay BJMP spokesperson Chief Inspector Xavier Solda sa panayam sa radyo, buwan pa lamang ng Enero ay nagsasagawa na sila ng mga health precautionary measure kabilang dito ang pansamantalang pagpapatigil sa mga bumibisita o dumadalaw sa mga preso.

Bukod sa suspensiyon ng dalaw, sinabi ni Solda na ginagamitan nila ng thermal scanner ang mga preso para matiyak na wala silang sakit.

Aniya, sinusunod ng BJMP ang mga protocol ng Department of Health (DOH) katulad ng paghiwalay agad sa mga preso ng mga may sakit.

Masusi ring minomonitor ng mga BJMP personnel ang kalagayan ng mga preso para masigurong ligtas sa COVID-19 ang kanilang mga pasilidad. (Riz Dominguez)

Tonite – Wendys Inhouse Ad