Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BJMP preso tinurukan vs flu, pulmonya

0 76

Umaarangkada na rin ang influenza at pneumococcal vaccination sa mga jail facility ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ito’y bilang bahagi ng mga estratehiya na matiyak ang kalusugan ng mga persons deprived of liberty (PDL) at jail officer sa bansa.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at spokesperson Jonathan Malaya, hanggang nitong Setyembre 21, 2021, nasa kabuuan nang 79,387 PDLs ang nakatanggap ng flu vaccine.

Mayroon naman aniyang 3,812 bilanggo ang naturukan ng pneumococcal vaccine.

Samantala, sa mga BJMP personnel, nasa 6,699 na ang nakatanggap ng bakuna kontra flu habang 530 naman ang naturukan ng bakuna kontra pulmonya. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.