Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BJMP sinita sa pag-apaw ng mga preso

0 112

Dismayado ang Commission on Audit (COA) matapos matuklasan na sumirit sa mahigit 400% ang bilang ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa mga bilangguan sa bansa na nasa ilalim ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ayon sa COA, tumanggap ang BJMP ng P1.77 bilyon noong 2018 at P2.89 bilyon noong 2019 para sa pagtatayo ng mga bagong jail facility.

Sa ulat ng komisyon, nabatid na 115,336 PDL ang nagsisiksikan sa mga kulungan ng BJMP sa bansa hanggang noong Disyembre 31, 2020.

Sobra anila ito ng 403% o katumbas na 80,443 PDL laban sa ideal capacity para sa 34,893 PDL.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Noong nakaraang taon, sinita ng COA ang pagsisiksikan ng 106,361 PDL sa mga detention center ng BJMP gayung 24,306 PDL lang ang dapat na nakaokupa sa mga ito.

“The overcrowding was 438% over the normal occupancy,” ayon sa COA.

Dahil dito, ipinaalala ni COA director Michael Bacani na dapat sundin ni BJMP chief Director Allan S. Iral ang Rule 10 ng United Nations Standard Minimum Rules for the Treatment of Prisoners patungkol sa health requirements ng mga PDL sa pagkakaroon ng sapat na hangin, minimum floor space, lighting, heating at ventilation. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.