Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Black bangis ng mga bagito

0 233

Smart Clark Giga City – Si Aaron Black ng Meralco ang pinakamaangas na newcomer sa nagdaang linggo.

Iginawad sa kanya ang Cignal TV-PBA Press Corps Rookie of the Week honors para sa Nov. 3-8.

Nag-average siya ng 5.8 points, 6.5 rebounds at 2.5 assists, sinulit ang minutong binigay sa kanya ng amang si coach Norman Black mula sa bench.

SM food to go Banner Ad

Sa period na ‘yun ay 3-1 ang Bolts para paypayan ang tsansa nila sa unang all-Filipino playoffs appearance sapul noong 2015.

Nasa kalagitnaan ng standings ang Meralco sa 6-4 card.

Babalik ang Bolts sa Smart 5G-powered AUF gym para harapin ang out nang NorthPort sa pagtatapos ng eliminations.

Naungusan ni Black sa weekly citation sina Roosevelt Adams ng Terrafirma at Aris Dionisio ng Magnolia. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.