Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Black hinigitan si Fonacier

0 81

Pinatunayan ni Aaron Black na lahat ng mga baguhan ay may pagkakataong ipakita ang husay nang maging pinakamababang pick, second round, 18th overall na nagwaging Outstanding Rookie sa Virtual 45th PBA Awards Night nitong Linggo.

Binura ng 23 taong-gulang, may taas na 6-1 ang rekord ni Larry Fonacier ng NLEX na naging 2005 Rookie of the Year makalipas makuhang ika-18 sa Rookie Draft ng Red Bull. Madalas napagwawagian ng top rookie pick ang karangalan.

Dinaig niya sina top pick na si Roosevelt Adams ng Terrafirma, Arvin Tolentino ng Barangay Ginebra San MIguel, Kevin Barkley Eboña ng Alaska Milk, at Aris Dionisio ng Magnolia Hotshots.

Hindi rin sinayang ni Aaron ang tiwala ng kanyang ama na si Meralco Bolts coach Norman Black.

“It was a big motivational factor for me,” wika ng nakababatang Black. “Being drafted in the second round as well as playing for my dad, that’s a big thing. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.