Abante Tonite Interactive

Black nagmaktol: Durham walang suporta

747

Walang solid support para kay Allen Durham.

Ito ang tingin ni Meralco coach ­Norman Black kaya muling ­nabigo ang Meralco Bolts kontra Ginebra Gin Kings sa ikatlong pagkakataon sa korona ng PBA Governors Cup matapos yumuko sa Game 5 sa iskor na 105-93.

“Obviously, we were still in the game but we lose grasp on the situation,” sabi ni Black, na diniin na nag-iba ang tema ng laban kung healthy si Raymond Almazan.

“It could have been different had Raymond is healthy, but we could not dwell on it. ­Somebody must step up for the team and help ­Allen,” sabi pa ni Black.

Isang tres ni LA Tenorio ang umagaw sa abante ng Bolts bago sinundan ng isang tres ni Joe Devance at atake ni Justin Brownlee. Hindi na nakaahon pa ang Bolts upang mabigo sa ikatlong sunod kontra Gin Kings sa titulo.

“We couldn’t get our shots and our plays ­going. We also failed to control the rebounds,” sabi pa ni Black, kung saan nagawang itabla ang serye sa 1-1 bago na lamang nagtamo ng injury ang inaasahan nitong si Almazan.

Dismayado rin si Durham, na nakamit ang kanyang ikatlong ­pagiging Best Import of the Conference award subalit hindi ­naibigay ang titulo para sa ­Meralco. (Lito Oredo)