Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Black nasa alapaap

0 100

Smart Clark Giga City – Hindi itinago ni coach Norman Black ang saya, sa unang pagkakataon ay nasa semifinals ng PBA Philippine Cup ang Meralco.

Sa Pampanga bubble, nagawa ng Bolts ang hindi nakuha sapul nang bilhin ang prangkisa ng dating Sta. Lucia Realty noong 2010.

Katunayan, huling pumasok sa playoffs ng torneo na dating kilalang All-Filipino ang Meralco noong unang season ni Black bilang head coach – 2014-15, taon din na inumpisahan ng San Miguel Beer ang dominasyon sa conference.

Tinapos ng Bolts ang tangkang six-peat ng No. 4 Beermen sa bisa ng 90-68 panalo nitong Linggo, follow-through sa 78-71 victory noong Huwebes. Tagumpay na naitawid ng No. 5 Bolts ang twice-to-win handicap.

“I’m just happy for the players, I’m happy for the management, I’m happy for the company that we finally got to the semifinals here in the PBA All-Filipino conference,” bulalas ni Black sa postgame interview sa Smart 5G-powered AUF gym sa Angeles City. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.