Abante Tonite Interactive

Black Pink, Dua Lipa magsasanib-puwersa

187

tonite-annyeong-rose-garcia
Pinag-uusapan nga­yon ang collaboration sa pagitan ng South Korean girl group na maituturing na isa sa pinaka-hot K-pop group globally, ang Black Pink at ang English singer/songwriter na si Dua Lipa.

Mismong si Dua Lipa ang nagkumpirma ng collaboration niya with Black Pink na sina Jisoo, Jennie, Rose at Lisa na mas lalong sumikat sa kanta nilang “Boombayah”.

Sa tweet ni Lipa, “So excited to release a super deluxe edition of my album on October 19th with 3 NEW SONGS!! Think of this as a little gift to wrap up this album cycle! Thank you for all the love and support.”

Abante Hiring – IT dep

Pero bago ang naturang tweet, nagkaroon na ng hinala ang mga fan nang mag-tweet ang English singer/songwriter nang may magtanong dito na kung ano raw ang pinagkakaabalahan nito ngayon.­ Tanong ng Twitter account na @breathinmyair, “girl wait what tf do you have on your sleeve?”

At sinagot ito ni Dua Lipa nang, “A few songs you guys already know and want. One you don’t know about but i’m excited to share with you. A couple collabs. I got you bb x”.

Eh, may dalawang heart sa tweet, isang black at isang pink na kulay. Mabilis na naikonek ito ng netizen na ang giveaway na ito sa ka-collab niya, ang Black Pink.

May pinanggalingan naman dahil ilang buwan ang nakalilipas, nagpunta ng South Korea ang English singer/songwriter para sa kanyang concert tour at may lumabas na picture kunsaan, kasama niya ang dalawang miyem­bro ng Black Pink na sina Jennie at Lisa sa isang photo op.

Sa mga hindi nakakaaalam parehong hot ngayon ang Black Pink at si Dua Lipa. Last year na lang, may tatlong kanta ito na nasa top 15 simultaneously sa United Kingdom at naggo-gold at platinum din ang album sa mahigit sampung bansa.

At sa edad na 23, considered as one of the most awarded at successful ar­tist from U.K.