Abante Tonite Interactive

Black Pink pinatigil kumanta

By
2,926

Ang lakas ng kasikatan ng South Korean girl group na Black Pink ngayon na nag-debut lang noong 2016 under YG Entertainment. Hit na agad ang kanilang bagong single na “DDU-DU DDU-DU”

Number one sa SBS’ Inkigayo ang kanilang single at record-breaking ang naitala ng grupo.

Noong June 24, na-break ng grupo ang record dahil ang music video ng Black Pink ay umabot na ng 90 million views on YouTube.

Sa loob lamang ng 8 araw at 8 oras, ang DDU-DU DDU-DU ay nakapagtala na nga ng 90 million views. Dahil sa milestone na naitala nila, ang Black Pink na nga ang tinaguriang fastest K-pop girl group music video in history.

Ang dating record ay hawak ng TWICE sa kantang ‘Likey,’ pero umabot pa ito ng 27 days, 20 hours, and 40 minutes to achieve the views.

Bukod dito, napakara­ming papuri at positibong komento rin ang natanggap ng grupo dahil sa nangyaring insidente sa 2018 Lottle Duty Free, Family Festival. Habang nagpe-perform kasi ang Black Pink noong Sabado, bigla silang pinatigil ng production at pinabalik muna sa stage. Nangako ang production na muli silang magpe-perform pero hindi na nangyari.

Hindi kasalanan ng grupo ang nangyari pero sila pa rin ang humingi ng paumanhin sa kanilang mga fan. At hindi lang ito dito nagtapos, nagbigay pa sila ng ice-cream gift sa mga fan nila na kung tawagin ay Blink.

Mas lalong hinangaan ng mga fan ang Black Pink na kinabibilangan nina Jisoo, Jennie, Rosé at Lisa.

Ilan sa mga comments ng mga fan, “They’re the best but they should not apologize for something that Isn’t even their fault.”