Abante Tonite Interactive

Black Pink umariba nang milyon sa Instagram

By
4,085

Kung ang karamihan ng mga celebrity, bumibi­lang halos ng taon bago magkaroon ng isang mil­yon followers sa social media account na Instagram, iba ang South Korean girl group na Black Pink.

Nang i-announce ng apat na miyembro ng Black Pink na sina Jisoo, Jennie, Rosé at Lisa noong June 15, kasabay sa launching ng kanilang unang mini-album, ang ‘Square Up’, na nag-open sila ng mga individual IGNaccount, ang mga fan nila sa buong mundo ay nagsipag-follow na agad.

At sa loob lang ng 24 oras, bawat isa sa apat na miyembro ay merong mahigit 1 million followers.

Hindi nga maikakaila na ang Black Pink under YG Entertainment ang isa sa malakas na girl group ng South Korea. Hinaha­ngaan ang grupo hindi lang sa kanilang physical looks, pero mas higit ang husay raw ng mga ito sa pagsasayaw at pagkanta.

Ang Black Pink din ang highest-charting female K-pop act on Billboard Social 50 na nasa number 15. Kauna-unahang K-pop act sa YouTube’s Global Top 25 Summer Songs sa kanilang 2017 hit ‘As If It’s Your Last’.

Bu­kod dito, ang Black Pink din ang kauna-una­hang female K-pop act na may three number-one hits on Billboard’s World Digital Song Sales chart.

Narito ang mga individual Instagram accounts ng Black Pink members. Ang @jennierubyjane, @roses_are_rosie, @lalalalisa_m at @sooyaaa_.

Samantalang ang official IG account ng grupo ay meron ng 9.9 million followers.

Sa allkpop.com, pinagkumpara ang tatlong girl groups na Twice, Red Velvet at Black Pink base sa mga komento ng knetz.

Ayon sa isang knetz, “Black Pink is simply girl crush…When you watch ‘As If It’s Your Last’ or ‘Stay’, it’s not necessarily a girl crush concept but they pull it off so well. They’re really my type.”