Abante Tonite Interactive

Black problemado sa Lucena

290

Finals Game 2 ngayon:

(Quezon Convention Center, Lucena)
7:00 pm – Ginebra vs. Meralco
(Ginebra leads series 1-0)

Nadagdagan ang problema ng Meralco pagdayo ng PBA Governors Cup Finals Game 2 sa Lucena City ngayong alas-siyete nang gabi.

Bukod kina Justin Brownlee, Japeth Aguilar, Greg Slaughter, LA Tenorio at Scottie Thompson, isa pa sa concern ng Bolts ay ang sixth-man ng Gins na siguradong dadagdsa sa Quezon Convention Center sa Lucena.

Una siyempre ang gagawing adjustment kung paano itatabla ang best-of-seven pagkatapos ng 91-87 loss sa opener nitong Martes.

Para kay coach Norman Black, sa out-of-town games ay parang laging naglalaro sa home court ng Gin Kings.

“That’s always an advantage for Ginebra, wherever you go in the country,” ani Black.

“The advatange of being here in the Araneta Coliseum for us is the fact that we can probably get four or five thousand fans in the gym, even though they’ll have the other 12, 13,” natatawa niyang dagdag.

Mas mahirap sa probinsiya, ‘di nila madadala ang fans nila.

Pero kahit dehado sa venue, pupukpok ang Meralco.

“We have to win the game,” wakas na bigkas ni Black. “It’s a must-win situation for us, so it doesn’t really matter where we play.” (Vladi Eduarte)