Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Black raratsada pa rin sa Bolts

0 80

Hindi nagpatumpik-tumpik ang Meralco na muling bigyan ng contract extension si Aaron Black.

Tampok sa unang dalawang taon niya sa Bolts ang pagtanggap ng 2020 PBA Outstanding Rookie nang magpasiklab sa Philippine Cup sa Clark bubble.

Ang 6-foot-1 guard ang lowest drafted player na nanalo ng award pagkatapos ni Larry Fonacier na No. 14 pick ng Red Bull noong 2005.

“Humbled by the opportunities the man up high has put in front of me,” bulalas ng 25-year-old combo guard. “This game has truly been a blessing. Looking forward to the years ahead with the Meralco Bolts.”

Kinuha siya ng prangkisa sa second round na – bilang 18th pick overall – noong 2019.

Muling sinelyuhan nitong Martes ang panibagong two-year deal sa harap nina team manager Paolo Trillo at agent Marvin Espiritu.

Sa kanyang rookie year, nag-average si Black ng 6.6 points, 3.7 rebounds, 1.7 assists.

Iniangat niya ito sa 8.5 points, 3.5 rebounds at 2.1 assists nitong 2021-22 season nang tulungan ang Bolts na makabalik sa Governors Cup Finals bago tinalo ng Barangay Ginebra San Miguel sa anim na laro. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.