Abante Tonite Interactive

Black saludo kay Maliksi

300

Unti-unti nang inaani ng Meralco ang dibidendo sa pagkuha kay Allein Maliksi mula Blackwater.

Dumating si Maliksi, kasama si Raymar Jose, sa Bolts nitong Okt. 25.
Sa quarterfinals match kontra ­Alaska nitong Nob. 24, ­napakinabangan ng Meralco ang tibay ng pulso ng gunner nang bumitaw ng crucial baskets sa 94-84 panalo kontra Alaska na nagtulak sa Bolts sa semifinals ng PBA Governors Cup.

“Have to give a lot of credit to Allein Maliksi who probably played his best game for us so far this conference and really gave us a big lift offensively,” pahayag ni coach Norman Black pagkaraan.

Mula sa field ay 7 of 11 si Maliksi at 4 for 8 mula 3-point range tungo sa 23 points.

Maganda ang kumbinasyon ni ­Maliksi kina Baser Amer, Chris ­Newsome, Raymond Almazan at ­import Allen Durham.

Sila muli ang sasandalan ni Black sa pagsagupa sa TNT sa best-of-five semis umpisa ngayong alas-6:30 nang gabi sa Smart Araneta Coliseum. (VE)