Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Black vs Tolentino sa ‘OR’

0 74

Limang bagito ang nag-aagawan para sa karangalang Outstanding Rookie sa nakatakdang virtual PBA Awards Night sa January 17,

Sila ay sina Arvin Tolentino ng Barangay Ginebra San Miguel, Aaron Black ng Meralco, Roosevelt Adams ng Terrafirma, Barkley Ebona ng Alaska Milk at Aris Dionisio ng Magnolia Hotshots.

Katumbas ang ‘OR’ sa iginagawad buong taon na Rookie of the Year. Ang iba pang ipamamahagi ay ang Outstanding/Elite Five na kapalit ng Mythical First Team, Most Improved Player, at Avelino ‘Samboy’ Lim Jr. Sportsmanship Award. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.