Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Blackpink album lagpas 1M ang order

0 230

Hindi hadlang ang pagkakaroon ng pandemic para sa patuloy na pag-arangkada ng Blackpink.

Sumira na naman ng record ang bagong album ng grupo na binubuo nina Jisoo, Jenie, Rose at Lisa na ‘The Album.’

Noong October 2, kinumpirma ng YG Entertainment na lumagpas na sa 1 million ang pre-stock order ng ‘The Album’.

Sa report ng soompi.com, “This is the highest number of stock pre-orders ever recorded for a K-pop girl group, which also makes BLACKPINK the first Korean girl group to surpass 1 million stock pre-orders.”

Pinagsama-samang pre-orders mula sa iba’t-ibang bansa ang mahigit 1 million pre-stock orders. Sa South Korea pa lamang, total of 670,000 units na. Sa United States at Europe naman, nasa 340,000 units. Bukod pa sa naunana nang na-sold-out ang limited edition LP early this year pa lang.

Inaasahan na mas lalo pang lalaki ang sales ng album kapag nailabas na ang physical form, apat na araw pagkatapos ng release nito sa digital form.

May dalawa ng pre-release single sa The Album, isa na rito ang “Ice Cream” na nakipag-collaborate sila kay Selena Gomez.

Leave A Reply

Your email address will not be published.