Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Blackpink ‘durog’ sa China

0 134

Ang intense naman ng hate o pamba-bash sa “Blackpink” dahil sa panda hugging scene.

Naglabas na kasi noong Huwebes ang grupo ng final episode nila sa kanilang online reality show na 24/365 with Blackpink. Eight minutes clip ito. Pinapakita nila ang pagpasyal nila sa Everland Theme Park sa South Korea.

Nag-interact din sila sa mga resident Giant Panda ng Everland. Bukod sa ipinakita sa video na nag-prepare sila ng meal para kay mother Panda, nakita rin ang pagka-cuddle ng member sa 3-month old Panda na si Fubao.

And as expected, million views agad ang in just few hours ang video. Nagti-trending din ito sa China, pero, on a different note.Kino-condemn ang Blackpink. Against sila sa ginawa na pag-cuddle sa Panda.

Ayon sa koreaboo.com, “While baby Fubao was born in South Korea this year, he’s not technically Korean. The Chinese government actually owns almost every giant panda in the world, and zoos across the world simply rent them. Panda loan costs run up to $1 million USD per year on 10-year “panda diplomacy” contracts, and foreign zoos must pay an additional $400,000 USD tax for any baby cubs born in their care.”

Ayon sa mga Chinese netizen, dapat daw ay pinaiiral ang strict protocols ng Everland at hindi ina-allow ang kahit sino na magkaroon ng close contact sa mga Panda. According to the Chinese State Forestry Administration, allowing non-professionals to touch the pandas increases their risk of contracting a zoonotic infection.

Bukod pa rito, hindi rin daw dapat ina-allow ang mga tao na may alagang ibang pet sa bahay na lumapit sa Panda. May pangyayari raw kasi noong 2015 na may alagang aso na nang magkaroon ng close contact sa Panda na naging sanhi ng disease ng huli. Isa na rito ang canine ditemper, isang uri ng virus na makukuha sa mga aso.

Considered endangered na kasi ang mga giant Pandas.

Binigyang-diin din ng mga Chinese netizen na naka-make-up at may perfume pa raw ang mga miyembro ng Blackpink na maaaring maka-cause ng harmful effects sa Panda, lalo na kay baby Panda Fubao.

Nakikiusap naman na ang mga Chinese Blinks (fans ng Blackpink) na tanggalin na ang episode na ito sa online para hindi na raw mag-cause pa ng mas malaking gulo at galit mula sa mga C-netizen. ‘Yun nga lang, mukhang hindi na lang mga ordinary C-netizens ang nagre-react.

Ang China Giant Panda Conservation & Research Center ay nasa proseso na rin ng pag-iimbestiga sa insidente. Sa ngayon, hindi pa masabi kung may posibleng punishment sa Everland, YG Entertainment at Blackpink pero kilala raw in the past ang Chinese government na wini-withdraw ang mga Panda mula sa overseas zoos.

Leave A Reply

Your email address will not be published.