Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Blackpink Jisoo bibida sa K-drama

0 111

Hindi pa man kumpleto ang detalyeng inilalabas tungkol sa bagong drama na “Snowdrop” ng JTBC, nagki-create na ito ng ingay dahil sa isa sa mga lead star.

Sa kauna-unahan kasing pagkakataon, ang lead vocalist ng Blackpink ay papasukin na ang pag-arte sa telebisyon.

Si Jisoo ng Blackpink ang kumpirmadong lead star ng Snowdrop. Kinumpirma na rin ito ng YG Entertainment na, “It is true that Jisoo is starring in the new drama ‘Snowdrop.’”

Maingay na ang drama dahil strong din ang magiging writer at director nito. Ito’y sina Yoo Hyun Mi at Jo Hyun Tak na galing sa matagumpay na ‘Sky Castle’ noong isang taon.

Obviously, among the Blackpink members, si Jisoo ang isa sa may interes sa pag-arte. Bago ang debut niya, nagkaroon na siya ng cameo role sa “The Producers.” Last year naman, nagkaroon siya ng guest appearance sa The Arthdal Chronicles bilang first love ng character ni Song Joong Ki.

Matagal na rin namang trend sa South Korea na nagsisimula bilang idols at kapag nag-hit ang grupo, papasukin ang pag-arte. How much more pa nga kay Jisoo na ang Instagram followers lang naman ay sa 27.2 million.

Kumpirmado na rin na makakasama ni Jisoo bilang female lead sa Snowdrop ang actress na si Kim Hye Hyon na sumikat din sa Sky Castle.

Sa ngayon, wala pang male lead na inilalabas ang production. Pero may nababasa kaming “in-talk” na raw ang production sa isa rin sa popular South Korean actor na si Jun Hae In. Kung tatanggapin ito ng actor, siya ang magiging unang love interest ni Jisoo in a full-length drama.

Leave A Reply

Your email address will not be published.