Abante Tonite Interactive

Blackpink, Lee Seung Gi espesyal ang Chinese New Year

530

Ang Chinese New Year o Lunar New Year (seollal) ay isa rin sa ipinagdiriwang sa South Korea.

Ang Lunar New Year ang isa sa considered one of the most important traditional Korean holidays sa buong taon. Ino-observe ito ng mga Koreans with their family. They spend time and eat together. Tatlong araw rin kung i-celebrate ito ng mga Koreans. Ilan ay nagpe-perform pa ng mga ancestral rite. At isa pa sa talagang ino-observe nila ay to pay respect to their elders.

Ngayong Chinese New Year, makikita kung gaano ka-importante ito kahit sa mga South Korean celebrities. Marami sa mga celebrities ang nag-post ng kanilang greetings sa kanilang social media account.

Ilan sa mga ito sina Kim Woo Seok, ang girl groups na (G)-I-DLE, CLC, Red Velvet, Saturdays, LovelyZ, Rocket Punch. Gayundin ang ilang South Korean boy groups tulad ng AB6IX, BTOB, UP10TION, MCND, PENTAGON, ONEUS, NUEST at iba pa.

Ang sikat na girl group na Blackpink ay may message na, “Happy New Year everyone! Hope you all have a lovely Holiday. Love you Blinks.”

Nakasuot din sila ng traditional costume ng Korea.

Gayundin ang Triple Threat Star na si Lee Seung Gi. Nag-post ito sa kanyang Instagram account ng pagbati na, “Everyone… have a nice and warm Lunar New Year.”