Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Blackpink , Olivia Rodrigo may bonggang collab

0 41

Naramdaman ng mga fan na tila may bonggang collaboration na magaganap sa pagitan ng Blackpink at kay Olivia Rodrigo.

Noong July 13 ay marami ang nagulat nang makitang magkasamang nag-dinner si Rosé at ang masasabing the most “In” thing today na American singer na si Olivia Rodrigo.

Bukod kay Olivia, spotted din na kasama nila sina Devon Carlson, and Petra Collins. Siyempre, marami na agad ang nag-assume na baka bumubuo na ng collaboration ang mga ito.

Ang masasabing common between Rosé at Olivia ay si Petra na parehong nakatrabaho na ng dalawa sa magkaibang pagkakataon.

Sabi rin sa news, “Not only did she have a hand in the production of BLACKPINK’s photoshoot with Vogue Korea, but she was also the director of the music video for Olivia’s hit song “Good For U” which came out earlier this year.”

Bukod pa rito, si Olivia at ang Blackpink ay parehong nire-represent ng isang company abroad, ang Interscope Records.

Dahil dito, malakas ang paniniwala ng Blinks (tawag sa mga fan ng Blackpink) na hindi raw coincidence lang ang pagkikita ng mga ito. Ilan sa mga comment ng netizens, “Rosé met up with Olivia Rodrigo, Devon Carlson. I’m sorry you can’t convince me they didn’t talk about a collab at this point.”

“All three are meeting up I’m not a scientist but I’m pretty sure something’s coming.”

Sa isang banda, bukod kay Rosé ay kasama rin niya ang isa pang member ng grupo na si Jennie sa Los Angeles ngayon. Kinumpirma na ng agency nila, ang YG Entertainment na ang 2/4 of the group ay nasa L.A. para sa kanilang bagong music.

Leave A Reply

Your email address will not be published.