Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Blackpink winasak ang BTS

0 310

Ang South Korean girl group na BLACKPINK ang maituturing na number 1 girl group ng bansa. Ilang araw pa lang nang lumabas ang balitang magda-drop na ng bagong music video ang grupo, napakarami na ang nag-abang.

Kaya naman nang i-release ang bago nilang MV noong June 26, ang “How You Like That,” limang title na agad ang ipinagkaloob sa kanila ng Guiness World Records.

Gumawa nga ng history ang apat na miyembro ng Blackpink na sina Jennie, Jisoo, Rose at Lisa. Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang i-release nila ang bagong music video, pero breaking records na sila.

Nakuha na nila ang “Most viewed You Tube video sa loob lamang ng 24 oras. Kinumpirma ng YouTube na sa loob lang ng 24 hours, umabot na sa 86.3 million views ang How You Like That.

Nalagpasan nila ang may huling pinakamataas na views sa loob ng isang araw na K-pop act, ang BTS na “Boy with Luv” na nakakuha ng 74.6 million views sa 24 oras.

Bukod dito, nakuha rin nila ngayon ang record na “Most viewers for the premiere of a video on You Tube” at “Most viewers for the premiere of a music video on You Tube.”

Ang How You Like That ay nakapagtala ng 1.66 million viewers simultaneously at its peak. Ang BTS pa rin ang huling may hawak ng title nito with 1.54 million concurrent viewers.

Binasa naman namin ang comment ng mga netizen sa tagumpay na ito ng Blackpink.

Nakakatuwa ang isang comment na kino-congratulate ang Blinks (tawag sa fans ng Blackpink) ng isang Army. Ang Army naman ang tawag sa mga fan ng BTS.

Ayon dito, “Congrats Blinks. Well deserved- from Army.”

Sabi rin ng isa pang netizen, “Thank you 🤍✨ records are meant to be broken. This is a healthy competition pretty much for BP and BTS now lols. Looking forward to the boys setting a new one.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.