Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Blackwater, 2 pa tengga sa bubble

0 136

Smart Clark Giga City – Usapan bago magsimula ang PBA Philippine Cup sa Clark, lalabas na agad ng Pampanga bubble ang apat na teams na ma-e-eliminate pagkatapos ng 11-game eliminations.

Natapos ang seeding games noong Miyerkoles, napagsarhan sa playoffs ang Terrafirma (1-10), NorthPort (1-10), Blackwater (2-9) at NLEX (5-6).

Pagkatapos ng 11th game – 80-73 loss sa Meralco – umuwi na agad ang Batang Pier.

Huwebes ng hapon ay balik na sana ng Maynila ang tatlo pang maagang nag-exit, pero pinigil muna pansamantala sa Quest Hotel sa Clark Freeport and Economic Zone.

SM food to go Banner Ad

Nanalasa sa Metro Manila at Central Luzon ang bagyong Ulysses Miyerkoles ng gabi hanggang kinabukasan, dumating ang abiso na lubog sa baha at hindi madaanan ang bahagi ng North Luzon Expressway sa Bocaue.

Huwebes ng hapon nang kumalma ang bagyo.

Sa post ni Gerry Ramos ng Spin.ph, kita pa ang isang malaking puno sa bubble na ibinuwal ng hangin.

Ngayong araw ang umpisa ng quarterfinals. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.