Abante Tonite Interactive

Blackwater inip na sa Poy trade

426

Hindi na nakapagpi­gil si Blackwater owner Dioceldo Sy, binasag na rin ang saloobin hinggil sa nakabinbing trade ng Elite, NLEX at TNT na naka-sentro kay Poy Erram.

Wala pang desisyon ang PBA sa swap propo­sal, dalawang beses ibinalik ng trade committee sa team concerned para baguhin.

Kahapon ay isinumite­ na sa PBA ang latest revised copy ng trade.

Isinahog sa proposal ang future first round pick ng Blackwater na mapupunta sa Road Warriors, hindi lang malinaw kung anong draft year.

Apat ang miyembro ng committee, panlima si Commissioner Willie Marcial na babasag sa botohan sakaling mauwi sa stalemate na 2-2 ang mga desisyon.

Si deputy commissio­ner Eric Castro ang natokang bumusisi sa mga trade proposal na naka­karating sa Commissio­ner’s Office.

“Why is it taking them so long?” usisa ni Sy, ayon sa ulat ni Gerry Ramos ng Spin.ph.

Sa pagkabitin ng desisyon ay hindi aniya makagalaw ang team.

“It’s about time Com Willie Marcial comes in and decides,” dagdag ni Sy.
Ang TNT, willing to wait sa desisyon ng PBA, ayon kay board representative Ricky Vargas.

Ang NLEX, naglabas ng statement kahapon din sa kanilang social media account at tiwa­lang pabor sa lahat ang pinakahuling proposal. (Vladi Eduarte)