Abante Tonite Interactive

Blackwater muling ibabangga si Walker

By
318

Mga laro ngayon: (Smart Araneta Coliseum)
4:30 pm – Rain or Shine vs. Meralco
6:45 pm – Blackwater vs. Alaska

Magbabasagan ang Blackwater at Alaska sa main game mamaya sa Smart Araneta Coliseum, makikibuhol ang mananalo sa liderato ng PBA Governors Cup.

Parehong 6-2 ang Elite at Aces, sa likod ng nangungunang Magnolia Pambansang Manok at Ginebra na magkaakbay sa 7-2.
Nalusutan ng Alaska ang Columbian Dyip noong Miyerkoles, pero hindi kontento si coach Alex Compton sa 104-94 panalo.

“I think we’re a stronger team than Columbian, but I don’t think that we played the game we were supposed to,” anang coach.

Sa kabilang banda, 10 araw nagpahinga ang Elite pagkatapos ng 133-99 blowout loss sa Magnolia noong Oct. 12.
Sa larong ‘yun ay ejected si import Henry Walker nang matawagan ng pangalawang technical. Naghahabol ang Blackwater 93-68 nang mapalabas si Walker 1:34 pa sa third quarter.

Pinagmulta ng tanggapan ni PBA commissioner Willie Marcial si Walker ng P1,600 para sa T, at mas malaking P20,000 dahil sa pambabato nito ng mouthguard niya na tumama kay re­feree Niño Cortez.

Parang playoff na raw kung tratuhin ng Elite ang huling tatlong laro, pero ayaw dagdagan ni coach Bong Ramos ng pressure ang mga bataan.