Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Blackwater multa ng P100k – Kume

0 384

Pinagmulta kahapon ng Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner’s Office ang Blackwater ng P100,000 dahil sa maagang pagpapraktis, pinagsu-swab testing ang mga manlalaro para sa COVID-19 at pinagku-quarantine ng isang lingo.

Kasabay nito, hinirit ni Commissioner Willie Marcial na paiimbestigan ng pro league ang mga pahayag ni Elite team owner Dioceldo Sy sa planong pagbebenta sa prangkisa sa halagang P150M.

Malamang na napikon si Sys a sulat na pag-uusisa ng liga sa team practice gayung sa isang linggo pa dapat ang simula base sa health protocol ng Inter Agency Task Force (IATF). Gayundin sa pagsawsaw pa ni Games and Amusements Board (GAB) Chairman Abraham Mitra.

Kung may mga interesadong bumili sa Blackwater, maaring manguna ang minsang mga kumatok na rin sa liga na sina Ronald Mascarinas ng Chooks, Cecilo Pedro ng Hapee, Hans Sy ng SM, at Caesar Wongchuking ng Mighty Sports. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.