Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Blackwater nahaharap sa multa

0 344

Nahaharap sa kaparusahan at pagmumulta ang Blackwater dahilan sa posibilidad na paglabag sa safety protocols at guidelines na ipinapatupad ng liga at ng bansa laban sa coronavirus disease.

Pinag-eesplika ng PBA Commissioners Office ang pamunuan ng Elite sa sinabi ng may-ari nito sa national television na nag-workout ang team sa nakaraang linggo.

Isang sulat ni PBA Commissioner Willie Marcial na may petsang Hulyo 14 kay Blackwater team governor Silliman Sy na rito’y humihingi ng paliwanag sa ballclub ang liga sa naganap sa praktis.

Kahit pumayag na ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na makapag-ensayo ang mga koponan, hindi pa naman nagpapahayag ang liga ng petsa sa simula ng workout.

Nais ni Marcial na mag-umpisa sa Hulyo 22 kung saan lahat ng players at personnel ay sasailalim muna sa swab test.

Unang binanggit ni Marcial na ang lalabag sa safety protocol may P20,000 bilang paunang parusa at madodoble sa ikalawang at bawat paglabag. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.