Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Blackwater, NLEX babawi

0 167

Clark Smart Giga City – Itinumba ng Blackwater ang NorthPort 96-89 sa unang salang sa PBA Philippine Cup restart sa Clark bubble, pero hindi nasundan ang panalo nang maubusan sa Ginebra 103-99 noong Huwebes.

SM food to go Banner Ad

Babalik ng Smart 5-G powered AUF Gym mamayang alas-4:00 nang hapon ang Bossing para harapin naman ang 0-2 NLEX.

Delikadong katapat ang NLEX na naghahanap ng unang panalo sa tatlong laro. Heart breakers ang unang dalawang talo ng Road Warriors – 102-92 kontra Gin Kings at 103-100 laban sa Magnolia noong Miyerkoles. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.