Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Blackwater owner, Marcial magtutuos

0 281

Nakatakdang makipagkita si Dioceldy Sy kay PBA commissioner Willie Marcial ngayong araw para ipaliwanag ng Blackwater owner ang kanyang naging kontrobersiyal na statements.

Si Sy mismo ang nagsabi, nag-shooting ang dalawa niyang players gayong wala pang pormal na go-signal para sa workout ang IATF. Nang ihayag ng GAB at PBA na kakastiguhin ang Blackwater, sinabi ni Sy na ibebenta na lang niya ang kanyang team.

“We had two players shooting around. What’s wrong with that? What did I violate?” hayag ni Sy. “This is a non-issue for me and we will get sanctioned for it?”

Nilagyan niya ng price tag na P150M ang prangkisa na pinaluwalan niya ng P120M para makapasok sa liga bilang expansion team noong 2014.

Binagsakan ni Marcial ng P100,000 fine ang Elite.

Sinabi rin ng Commissioner na anuman ang mapag-uusapan nila ni Sy ay ipaparating niya sa Board para sa kaukulang aksiyon.

Bukod sa PBA, handa ring humarap sa GAB si Sy para ipaliwanag ang ‘misquoted’ statement niya.

“We received a call from Mr. Silliman Sy the other day … saying that his brother was just misquoted and that they have received and will reply to our show cause letter,” ani GAB chairman Baham Mitram. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.