Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Blackwater pilay sa PH Cup

0 121

Kulang pa ng big man ang Blackwater sa unang mga laro ng Philippine Cup na magpapasimula sa PBA Season 47 sa Hunyo 5.

Fractured ang gitnang daliri sa kanang kamay ni top rookie pick Brandon Ganuelas-Rosser, hindi pa nakakarekober sa injury si Kelly Nabong.

“Mga two weeks pa siguro ‘yan (mawawala),” balita ni team manager Johnson Martinez sa status ni Rosser, na-injured sa kampanya sa 31st SEA Games men’s 3×3 sa Hanoi noong Mayo 10-23.

Hindi naglaro si Rosser sa una sana niyang tuneup game sa Bossing, ang 81-79 win sa TNT sa Moro Lorenzo Gym.

Noong umpisa ng Governors Cup ng nakaraang season, sumailalim sa surgery si Nabong para alisin ang bone spurs sa paa.

Nag-leave din si sophomore forward Andre Paras na magko-concentrate muna sa showbiz career.

Dumayo ng Montemar ang Bossing para sa team building, kasama si Rosser na kakapirma lang ng maximum three-year rookie contract. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.