Abante Tonite Interactive

Blackwater sasandalan din sina Cruz, Fuller

0 279

Magti-take off ang Blackwater sa PBA Governors Cup kung saan sila natapos sa nakaraang Commissioner’s.

Kung kakayanin, mas mataas pa sa franchise-best third place tapos ng eliminations.

Pumasok ng playoffs ang Elite hawak ang 7-4 win-loss card.

“Nakakuha na ng buwelo kumbaga, kailangan na lang ng follow-up,” ani coach Aris Dimaunahan nitong Miyerkoles. “Sana mas mataas pa sa third. Pero kailangang trabahuhin.”

Kaya puspusan ang paghahanda ng Blackwater, tulad ng ginawa nilang preparasyon nitong midseason conference. Mula roon ay titingnan nila kung hanggang saan sila makakarating.

“Ganu’n lang naman kami, ‘di masyadong tumitingin sa malayo,” dagdag ng bench tactician. “Kung ano lang nasa harapan namin, du’n lang kami naka-focus.”

Bukod kay import Aaron Fuller, ipaparada ng Elite sa season-ending tourney si newcomer Carl Bryan Cruz, nakuha mula Alaska kapalit ni Abu Tratter nito lang isang linggo.

May forward na si Dimaunahan na kayang umiskor sa perimeter at puwedeng makipagbalyahan sa loob.

“Sana, mas maganda ngayong conference na’to,” panapos ni Dimaunahan. “Nakita naman nilang ‘pag sama-sama kami sa laro, kaya naming manalo.” (VE)