Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Blackwater susunod sa desisyon ni Kume

0 227

NAGPASYA ang pamunuan ng Blackwater Elite na ibasura na lamang ang plano nitong pag-apela sa ipinataw na multa ng PBA sa prangkisa dahil sa paglabag sa kautusan sa mas maagang pagsasagawa nito ng ensayo.

Sinabi ni Blackwater Board of Governor Silliman Sy na nagpasya ang koponan Biyernes na hindi na itutuloy ng koponan ang apela matapos ang pag-uusap ng mga matataas na opisyales ng kompanya.

“We decided not to appeal. We’ll just accept and respect the decision of the commissioner,” sabi ng nakababatang kapatid ng may-ari ng koponan na si Dioceldo Sy.

Una nang ninais ng Elite na kausapin si PBA Commissioner Willie Marcial para babaan ang P100,000 multa matapos na agad na magbalik ang koponan sa ensayo kahit wala pang permiso sa liga.

Maliban sa multa, ang buong koponan ay ipinasasailalim din sa swab testing at pitong araw na quarantine sakaling maging negatibo at walang makitang sintoman ng COVID-19.

“We will comply with the quarantine order, then move on, and wait for the official go signal for practice to begin,” sabi lamang ni Siliman sa panayam ni Gerry Ramos. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.