Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Blackwater tiba-tiba sa PBA Draft round 1

0 56

Tunay na kaabang-abang para sa Blackwater ang mga sasabak sa 37th Philippine Basketball Association 2022 Draft sa Mayo 15 sa Robinsons Place sa Ermita, Manila.

Ilan sa mga talentadong manlalaro na swak sa 75 draft aspirants ng pro league sina Brandon Rosser, Justine Baltazar, Sedrick Barefield, Jeremiah Gray, Shaun Ildefonso at iba pa.

“For our number 1 pick we narrowed our choice between Baltazar, Barefield and Rosser,” pagsisiwalat Linggo ni Bossing coach Ariel Vanguardia. “The other two picks will depend on our first pick.”

Hinirit niyang kung mabingwit ng team sa sa wing sina Baltazar Rosser sa wing, susunggaban din niya si Barefield na mula sa University of Utah para sa big.

Hawak ng Blackwater ang top pick, bukod paa sadalawang choice sa first round din.

Bunsod ito sa pangungulelat ng Dioceldo Sy-owned franchise sa 46th PBA season. Pang-12 sa season-opening Philippine Cup na walang naipanalo sa 11 laro, gayundin sa season-ending Governors’ Cup sa 1-10 win-los record. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.