Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Blancada abante sa Round 3

0 164

Abante sa third round ng 2021 ISA World Surfing Games sa El Salvador si Nilbie Blancada nang makaiskor ng 6.53 points sa Heat 38 ng second round Lunes.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Makakatapat ng Pinay surfer sina Anat Lelior ng Israel, Noah Klapp ng Germany, at Estela Lopez ng China sa third round. Siya na lang ang may alas sa national team na naghahabol ng silya para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan sa July.

Sa pagpadpad sa repechage bottom brackets, malabo na ang tsansa sa Olympic slots nina Rogelio Esquivel Jr., John Mark Tokong, Edito Alcala Jr., Daisy Valdez at Vea Estrellado. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.