Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Blancada, Tokong laban pa

0 127

Patuloy na nakikipagsabayan sina Nilbie Blancada at John Mark Tokong sa matinding hamon mula sa world class na kalaban upang manatiling buhay ang tsansa sa 2020 Tokyo Olympics sa darating na July sa paghinga pa Biyernes sa 2021 ISA World Surfing Games sa El Sunzal, El Salvador.

Nanguna si Tokong sa Heat 115 na may apat na surfer sa pagtatala ng 10.73 points para makausad sa Repechage 4 – Heat 124. Pumangalawa muna siya sa Heath 100 sa 9.03 habang nalagas na ang apat na mga kasamahan.

SM food to go Banner Ad

Pumasa naman si Tokong sa Repechage 2 & 3 upang sumulong sa Repechage 4 kasunod sa pagkatalsik na nina Edito Alcala Jr., Rogelio Esquievel Jr., Daisy Valdez at Vea Estrellado. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.