Abante Tonite Interactive

Blatche sabak na sa full practice ng Team Pilipinas humanda na sila

Blatche sabak na sa full practice ng Team Pilipinas

By
193

Sa unang pagkakataon, sumabak si Andray Blatche sa full practice kasama ng Team Pilipinas Lunes ng gabi sa Meralco Gym.

May mga pamilyar na mukha siyang dinatnan, kung nanibago man sa sistema ni coach Yeng Guiao ay hindi ganoon kahirap mag-adjust.

“It was great being on the floor with all my brothers again and figh­ting, start competing for the two games coming up,” pahayag ni Blatche, gagamiting naturalized player ni Guiao sa final window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Sa Feb. 21 ay dadayuhin ng Pilipinas ang Qatar, isusunod ang Kazakhstan sa Feb. 24.

Hindi na naglaro sa National team si Blatche sapul nang suspendihin ng FIBA sa pagkakasangkot sa riot kontra Australia noong July. Sa pagitan niyon ay inako pa ni Guiao ang pagrenda sa team kahalili ni Chot Reyes.

Hindi na siya masyadong nahirapan dahil mga pamilyar na mukha ang ilan sa mga dinatnan niya.

Mga nakasama na rin niya sa dating Gilas Pilipinas sina June Mar Fajardo, Gabe Norwood, Raymond Almazan, Jayson Castro, RR Pogoy at Troy Rosario.

Susulitin ni Blatche ang natitirang araw ng ensayo bago bumalik ng China sa Feb. 11 para sa ilang commitments din doon.
Sa Qatar na sila muling magkikita ng teammates.