Abante Tonite Interactive

Blatche sasagarin ni Guiao

341

Kuntento si coach Yeng Guiao sa nakita niyang kondisyon ni naturalized center Andray Blatche.

Pagdating ng bansa nitong weekend, sabak agad si Blatche sa ensayo ng Gilas Pilipinas.

“This is what we expected as far as my expectations are concerned, this is how I envisioned it,” ani Guiao. “We’ll go gradually into practicing longer and practicing harder.”

Tapos ng ensayo nitong Lunes, umalis na agad si Blatche ng Meralco Gym.
Babanatin na agad ng coaching staff ang mga buto at muscles ni Blatche bago ang dayo ng Gilas sa Spain sa susunod na buwan.

Plano pa ni Guiao na isali rin si Blatche sa practice sessions ng NLEX, bukod sa pagbibigay dito ng solo-ensayo.

“Make sure that Andray gets extra hours, not just with the Gilas team, not just with NLEX, but by himself doing conditioning and maybe shooting some baskets,” dagdag ng coach.”

Pang-apat si Blatche sa naturalized players ng 19-man pool, kasama sina Stanley Pringle, Christian Standhardinger at Jordan Clarkson. (VEduarte)