Abante Tonite Interactive

Blatche, WC-bound Gilas banat-buto na

308

By Vladi Eduarte

Kumpleto na ang 14-man pool ng Gilas Pilipinas sa pagdating ni naturalized center Andray Blatche nitong Sabado.

“We are happy to welcome Andray back in Manila,” ani Samahang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio.

Abante Hiring – IT dep

Makakasama na si Blatche sa Lunes at Huwebes na ensayo ng pool umpisa ngayon.

May higit isang buwan pa ang 6-foot-11 center sa ensayo ng pool, at sa nakalinyang pocket tournament sa Spain sa susunod na buwan.

Sisiklab ang 18th World Cup 2019 sa Aug. 31-Sept. 15 sa China.

Ang inaabangan na lang ay ang announcement ni coach Yeng Guiao ng kanyang final pool, bagama’t nabanggit niya ilang araw na ang nakakaraan na kung may babaguhin ay maliit na bagay na lang.

“More or less ito na,” pahayag ng coach.

Kasama sa mga nag-eensayo sina June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Poy Erram, Troy Rosario, Gabe Norwood, Paul Lee, Mark Barroca, Marcio Lassiter, RR Pogoy, Kiefer Ravena, Matthew Wright, at PBA r­ookies CJ Perez at Ro-bert Bolick.

Mukhang nasa kondisyon naman si Blatche na sabak agad sa araw na ito.
“It’s a greay deve-lopment that he is here early to get reacquain-ted with his teammates and coaches as we get ourselves ready for the FIBA World Cup in China,” panapos ni Panlilio.