Abante Tonite Interactive

Blogger tinuluyan ng kampo ni VP Leni

By
1,601

Tuloy na tuloy na ang pagsasampa ng kaso ng kampo ni Vice Pre­sident Leni Robredo laban sa blogger na nagbitaw ng mga seryosong akusasyon laban sa Pa­ngalawang Pangulo.

Kinumpirma ni Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, na tiyak na ang kanilang pagsasampa ng kaso laban sa blogger na si Drew Olivar at inaayos na lamang ito.

“Sigurado po. Hinihintay na lang po iyong pag-ayos ng complaint pero sigurado po kakasuhan iyan,” ayon kay Gutierrez.

Bukod umano sa kasong libel na isa sa kanilang opsiyon na isasampa, kasama pa rin ang violation ng Cybercrime Law at posibilidad na grave scandal sa ilalim ng Revised Penal Code.

“Sa kasalukuyan, hindi pa naman yata nagkakaroon ng panghuling desisyon kung saan ipa-file pero makakasigurado po tayong lahat na iyan po ay tuloy na tuloy na,” dagdag ni Gutierrez.

Magugunitang sa ilang video ni Olivar ay maki­kitang humahawak ito ng camera habang bina­bato ng seryosong alegasyon ang Pangalawang Pangulo tulad ng pagla­landi umano nito sa isang trip nito sa South Africa noong nakaraang taon.

“Pasiklab ka na naman na parang mabait ka na naman na parang tumutulong ka e nandiyan ka lang naman nagpapakan­***, ..Kahit naririnig ng mga tao wala [akong] pakia­lam kahit public scandal ito e totoo naman na nagpapakan*** ka lang naman diyan sa South Africa,” bahagi pa ng mga akusasyon ni Olivar laban sa Pangalawang Pangulo.