Abante Tonite Interactive

Blood donation drive ng PBA sa June 16

303

Muling magkakaroon ng blood donation drive ang Philippine Basketball Association sa June 16 sa Smart Araneta Coliseum.

Nasa pang-apat na taon na ang proyekto alinsunod sa Corporate Social Responsibility ng propesyonal na liga sa pamamagitan ng Ala-gang PBA program.

Alas-12 ng tang-hali sa Green Gate ng Big Dome sa QC mag-uumpisa ang blood donation drive, ginagawa sa pakikipagtulungan ng Philippine Red Cross at Smart Araneta Coliseum.

Ang qualified persons ay dapat nasa edad 18-60. Ang mga 61-65 years old ay kailangang regular blood donors at ang mga edad 16-17 ay dapat may consent ng magulang.

May kailangang timbang na at least 110 lbs (50 kgs) above ang donors, walang sipon, ubo, diarrhea at nananakit na lalamunan sa nakalipas na pitong araw. Kailangang din ng three-month interval mula sa huling blood donation, at 12 buwan sa mga sumailalim sa ear/body piercing at tattoo. (VE)