Abante Tonite Interactive

Bloody pot session

By
6

Natigmak ng dugo ang dapat ay pag-aresto lamang sa tatlo-kataong nagsasagawa ng pot session sa Binondo, Maynila kamakalawa ng gabi nang pumalag ang mga aarestuhing mga adik.

Namatay ang dalawa sa tatlong suspek na naaktuhang nagsasagawa ng pot session sa Binondo nang sa halip na sumuko ay nagpaputok sa mga aarestong awtoridad na naging sanhi ng kamatayan ng dalawa.

Kinilala ang nasawi na sina Dennis Ragub, 35, at Frank Bural, 29, kapwa taga-786B Sevilla St. Binondo, Maynila habang nakatakas ang isang kasapakat ng mga ito.

Abante Hiring – IT dep

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Bernardo Cayab­yab, ng Manila Police District-homicide section, nakatanggap umano ng impormasyon ang San Nicolas Police Community Precint, kaugnay sa nagaganap na ‘pot session’ sa lugar dahilan para rumes­ponde ang pulisya.

Sa impormasyong nakuha ng pulisya, ang da­lawang nasawi ay sangkot sa serye ng holdapan sa mga nagbabagsak ng gulay at prutas sa Divisoria.