Abante Tonite Interactive

Bluefin tuna kayang lumangoy ng 50 miles kada oras

9

Hindi nagkakasakit ang mga pating dahil ang mga tissue nila ay mayroong anticoagulant at antibacterial na masusing pinag-aaralan ng mga siyentipiko upang magamit na panggamot sa mga sakit ng tao. Kaya ding manganak na isang babaeng pating ng walang kontak sa lalaking pating na tinatawag nilang ­parthenogenesis.

***

Kailangan ng minimum temperature na 66 degrees Fahrenheit ng tipaklong para sila ay makatalon.

***

Ang mga Egyptians ay gumagamit na ng condom noon pang 1350BC at ang kanilang ginagamit ay ang bituka ng hayop.

***

Pitumpo’t limang porsiyento ng mga wild birds ay namamatay bago umabot ang anim na buwan.

***

50 milya bawat oras ang kayang languyin ng bluefin tuna.

Related Posts

***

Katulad nating mga tao ang mga insekto ay ­nanginginig din kapag giniginaw.

***

Ang pangkaraniwang inaalagaang hayop sa America ay pusa hindi aso.

***

Ang balat ng hippopotamus ay 1 1/2 inches ang kapal at ito ay bullet proof. Mag-ingat kapag narinig mong naghikab ang hippo, hindi ito senyales na siya’y inaantok, babala ito na siya ay galit at handang umatake.

***

Hindi lang pinakamatangkad na hayop ang giraffe, alam n’yo bang sila rin ay mayroong pinakamahabang dila na umaabot sa 21 pulgada. Kaya nilang linisin ang kanilang tenga gamit ang dilang ito.

***

Sa isang itlugan lang kayang maglabas ng 500,000 itlog ang isang babaeng mackerel.