Abante Tonite Interactive

BNEO trainings patuloy sa Cavite, sa buong bansa

By
113

Ilang buwan matapos ang Barangay and SK Elections noong Mayo 2018, dumaan sa mga mandatory training and seminar ang lahat ng mga bagong halal na opisyales sa barangay pati na din ang mga SK official.

Sa kasulukuyan ay nagpapatuloy ang pag­lulunsad ng Grassroots Renewal and Empo­werment for Accoun­table and Transparent (GREAT) program para sa mga Barangay Newly-Elected Official o BNEO.

 
Aabot sa mahigit sampung libong barangay and SK officials sa buong 829 barangays na sumasakop sa buong lalawigan ng Cavite. Layunin ng training na ito ay mas maunawaan at mas mabigyan ng pagpapahalaga ang tungkulin at responsibilidad na iniatang sa kanila ng ating mga kababatan.

Nais ng progra­mang GREAT na maitaas ang kalidad ng pagseserbisyo sa grassroots level. Magkaroon ng mahusay at walang bahid ng korapsyon na panunungkulan sa taumbayan. Inaasahan natin na matutunan ng mga bagong halal na public servant sa barangay ang magkaroon ng transparency, accountability, integrity at mapasigla ang partisipasyon ng kanilang mga nasasakupan.

Naniniwala ako na kinakailangan talaga ng mga mandatory training para sa mga kapwa ko public servant dahil hindi naman porket nahalal kami bilang mga lingkod bayan ay alam na namin ang lahat. Tulad ko, na dati ding barangay captain sa a­ming barangay, marami akong natutunan na sa panahon ng a­king panunungkulan ko lang naranasan. 

Kaya naman, pakiusap ko sa lahat ng mga BNEO, seryosohin natin ang mga training at seminar na ating dinadaluhan.

Hayaan nating madiligan ang punla ng karunungan na ating taglay upang mas maging epektibo at mahusay ang ating pamamahala. 

Lahat ng bagay na magtatagumpay ay nag-uumpisa sa maliit na bagay. Anumang progreso na mararanasan ng ating lalawigan ay manggagaling sa ating mga barangay. Ang lahat ng ating pagsisikap na ito ay tiyak may ma­rarating dahil sa NAGKAKAISANG CAVITE, WALANG IMPOSIBLE!