Abante Tonite Interactive

BoA at Shi Min Ah bumili ng building

3,230

Parehong bumili ng building sa Seoul, South Korea ang dalawang sikat na female stars ng SoKor. Ang Queen of Korean Pop na si BoA at ang South Korean actress na si Shi Min Ah.

Si BoA ay may mga iba’t ibang properties na sa Seoul, pero kamakailan lang ay nabalita na may bagong building na naman itong binili na located sa Jayang-dong of the Gwangjin district.

Noong March pa raw nabili ni BoA ang buil­ding na nagkakahalaga ng 2.8 billion won. At estimate na $2.5 million. May sukat na 449.36 square meters.

May mga restaurant at motel daw sa naturang building. Hindi pa nasusulat kung ano ang planong gawin ni BoA rito.

Ibinalita naman ng isang news outlet sa Korea noong May 15 nang bumili ng isang old buil­ding between Samgakji station at Yongsan Garrison ang aktres na si Shi Min Ah na diumano’y nagkakahalaga ng 5.5 billion won o approximately $5.1 million. Ang building ay may 352.1 square meters.

Ang naturang building ay may mga old houses din kaya pinaghihinalaan na ipapa-renovate ito ni Min Ah at posibleng parentahan din.

Interestingly, parehong mga dalaga pa sina BoA at Shi Min Ah, although sa kanilang dalawa, si Min Ah at 34, ay in a relationship sa kasalukuyan pa ring nagpapagaling sa sakit na cancer, ang South Korean actor na si Kim Woo Bin.

Si BoA naman ay single pa rin at the age of 31.