Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Board exam sinasala mga doktor, nurse – Senado

0 91

Pabor si Senador Joel Villanueva na mapanatili ang professional licensure system sa bansa kahit na nahihirapan ang Professional Regulation Commission (PRC) na isagawa ang mga board exam bunsod ng pandemya.

Ayon kay Villanueva, chairman ng Senate committee on labor, ang mga pagsusulit na ito ang nagpapalakas ng kredibilidad ng mga Filipino professionals dito at sa buong mundo.

“Kahit marami na po ang dismayado sa kabiguan ng PRC sa pagpapatupad ng nakatakdang board exams noong nakaraang taon pa, kailangan pong manatili ng ating professional certification exams,” ani Villanueva.

Sinabi ni Villanueva na ang board exam ang huling layer ng ‘quality control’ bago sumabak ang mga nakatapos ng kolehiyo sa trabaho, na kadalasan ay nakadepende ang mga buhay ng tao tulad ng mga doktor.

“Kung ang tech-voc graduates, tulad ng mekaniko, ay kailangan ng TESDA certification, mas lalo na po siguro kung doktor na nag-oopera ng puso,” paliwanag ng senador.

Ang pahayag ng senador ay reaksyon sa mungkahi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na tanggalin na ang mga licensure exam para sa mga professionals tulad ng mga nurse. Nilinaw naman ni Bello na panukala lamang ang kanyang nabanggit. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.