Abante Tonite Interactive

Boardmate binosohan ng therapist habang naliligo

361

Kulungan ang bagsak ng isang boserong thera­pist makaraang ireklamo ng ka-boardmate ng pamboboso kamakalawa sa Barangay San Roque, Marikina City.

Nakilala ang suspek na si Ervine Avecilla y Fernando, 31-anyos, therapist at nahaharap sa kasong unjust vexation sa Marikina Police at nakakulong sa Marikina detention cell.

Sa report, naganap ang insidente bandang alas-12:45 Martes ng tanghali sa loob ng common shower area ng boarding house sa Kara­yom St., Brgy. San Roque, Marikina City.

Agad nagsumbong ang biktimang itinatago sa pangalang Ara, 25-anyos, quality control employee, sa may-ari ng boarding house na siyang sumama sa kanya para ipadampot ang suspek sa barangay.

Sa salaysay ng biktima, naliligo siya nang maramdaman niyang may pumasok sa loob ng banyo at nasa kabilang cubicle ng shower room. Hindi niya ito pinansin dahil alam niyang pam­babae ang shower room subalit habang naliligo ay napansin niya ang isang maliit na salamin sa gilid ng cubicle at agad na luma­bas at sinita ang nasa kabilang cubicle at doo’y nagulat nang makita ang suspek.