Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bobby Bo P54M kinukubra kada taon

0 285

Tuwing July 1, tumatanggap si Bobby Bonilla ng higit $1.1M (P54M) mula sa New York Mets.

Walang ginagawa si Bobby Bo, pero tuloy ang dating ng paycheck niya taun-taon.

Huling naglaro sa big leagues o Major League Baseball si Bonilla, 57, noong 2001, pero nawala sa Mets noon pang 1999.

Hanggang 72 years old na makakatanggap si Bonilla ng tseke tuwing July 1.

Paano nangyari?

Nang i-release ng Mets si Bonilla noong 1999, hindi binayaran ng team ang natitirang $5.9M sa kanyang kontrata.

Sa halip na maghabol, gumawa ng deal ang agent ni Bonilla.

Hindi muna ibibigay ang kulang, pero babayaran ng Mets ang slugger ng $1.19M taun-taon mula 2011 hanggang 2035. Pumayag ang team, kaya kahit retirado na at kukuya-kuyakoy sa bahay ay sumusuweldo ang Puerto Rican.

Kung susumahin, $29.8M ang kabuuang babayaran ng Mets para sa $5.9M na natira sa deal.

Sinong lugi? Hindi si Bobby Bo.

Tinawag na ngang Bobby Bonilla Day ang July 1. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.