Abante Tonite Interactive

Bobotante ba ang mga Pilipino?

BROADCASTER’S VIEW

266

Madalas nating mapakinggan ang salitang bobotante ang marami sa mga Pinoy na botante sa gitna ng patuloy na kampanya sa national level ng mga kandidato sa pagka-senador at party-list.

Totoo nga bang bobo ang mga Pilipino sa pagpili ng mga kandidato sa eleksyon?
Sa aking pananaw ay hindi naman masasabing bobo o walang alam sa pagpili ang mga botanteng Pinoy sa mga kandidato.

Maaaring kulang lang sa impormasyon ang mga botante sa mga backround ng bawat kandidato.

Madalas kasi na ang ginagawang pamamaraan ng mga senatorial candidate ay ang mga gimik at paramihan ng political advertisement sa radyo at telebisyon.

Nagiging limitado kasi ang impormas­yon na nakukuha ng mga botante kung kaya’t kung sino na lang ang madalas na mapanood at mapa­kinggan sa radyo ay ito ang mga nangu­nguna sa survey at malaki ang tiyansa na manalo sa eleksyon.

Dapat talaga ay maituloy na ang debate at marahil ay pumili na lang ng mga pambato ang bawat partido upang mas maging mahaba ang debate at mailatag ang mga plataporma.

Sa administrasyon, pangunahan nina da­ting PNP chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa at Dating SAP Bong Go ang debate.

Masusukat dito kung may ibubuga ba sa senado ang dalawang ito at talagang maisusulong ang adbokasiya ng Duterte administration.

Sa ganitong paraan ay malalaman ng publiko kung sino ba talaga ang dapat na iboto ngayong eleksyon.