Abante Tonite Interactive

BOC employee timbog sa suhol

0 263

Sinisimulan na ng Bureau of Customs (BOC) ang crackdown sa mga corrupt nilang empleyado, sa pamamagitan nang pag-aresto at paghahain ng kasong administratibo at kriminal nitong Martes sa isang personnel-on-duty na naka-istasyon sa Manila International Container Port (MICP) at sinasabing tumanggap diumano ng suhol.

Sa imbestigasyon, lumilitaw na ang Assistant Customers Operations Officer na si Cesar Nierva ay tumanggap umano ng P7,880 cash na iniipit sa mga dokumento na inihain sa Entry Processing Unit (EPU) kaya’t inaresto ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ang operasyon ay isinagawa alinsunod sa anti-corruption drive ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, na nag-aatas kay Deputy Commissioner for Intelligence Group (IG) Raniel Ramiro na tugisin ang mga corrupt official at employee ng bureau.

Sinabi naman ni Guerrero na ang naturang latest sting operation ay magtutuloy-tuloy at hindi ‘one-time thing’ o minsanan lamang.

“We want to send a message to all bureau employees that we’re serious about dismantling systematic corruption in this administration. We are going to get to the bottom of every corrupt practice in this bureau,” ani Guerrero.