Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BOC-MICP nasabat P60M smuggled yosi

0 393

Bilang bahagi nang pinalakas na kampanya ng Bureau of Customs (BOC) sa smuggling ay nasabat ng Manila International Container Port (MICP) ang milyong halaga ng mga puslit na sigarilyo, sa pamamagitan nang pagsusumikap ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at X-Ray Inspection Unit (XIP) kamakailan.

Batay sa ulat, ang mga naturang item ay inangkat ng Ocean World Enterprises noong Setyembre 30 at unang idineklara bilang iba’t ibang uri ng item, gaya ng mga karton, furnitures at mga bag, at iba pa.

Sa beripikasyon, natuklasan naman na ang mga naturang container vans, na binubuo ng 500 cases at 1,198 na mga kahon, ay naglalaman pala ng mga smuggled cigarettes na mula sa China at tinatayang nagkakahalaga ng P60 milyon.

Sa kasalukuyan, kabuuang 11 shipment ang iniimbestigahan ng mga awtoridad dahil sa hinalang may kinalaman ito sa ilegal na importasyon ng mga sigarilyo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang importer naman ng mga naturang items ay mahaharap sa kasong paglabag sa section 1400 in relation to section 1113 ng Republic Act (RA) No. 10863 o mas kilala bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), gayundin ng kasong paglabag sa Bureau of Internal Revenue (BIR) guidelines and regulations, at pertinent National Tobacco Authority (NTA) Memorandum.

Ang iba pa namang shipments ng importer ay iniimbestigahan na rin sa ngayon upang matukoy kung may nagawa din itong paglabag sa Customs laws, rules and regulations.

Iginiit ng Port na ang pagpupuslit ng mga items gaya ng mga sigarilyo at iba pang illicit at regulated goods ay mahigpit na ipinagbabawal at may katapat na matinding kaparusahan sa ilalim ng batas.

Tiniyak pa nito na ang MICP ay nananatiling matatag sa mandatong protektahan ang mga hangganan ng bansa sa ilalim ng patnubay ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero.

Leave A Reply

Your email address will not be published.