Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BOC namudmod ng 758 sasakyan sa AFP, PNP, PSG

0 256

Nasa 758 na mga kinumpiskang sasakyan ang pinamigay ng Bureau of Customs (BOC) nitong Huwebes para magamit ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno katulad ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at Presidential Security Group (PSG).

Ayon kay BOC Assistant Deputy Commissioner Jet Maronilla, mga segunda manong sasakyan ang kanilang pinamigay na sinamsam sa Port of Aparri sa Cagayan noon pang 2013 base sa Executive Order 156 na nagbabawal ng pag-import ng segunda manong sasakyan.

Isinagawa ang turnover at pirmahan ng deed of donation sa tanggapan ng BOC sa South Harbor sa Maynila.

Sa PNP napunta ang 120 sasakyan, 60 sa AFP habang lima sa PSG. Ang natirang 573 ay ibibigay sa iba pang ahensya ng gobyerno.

Kabilang sa mga pinamigay ay mga sports utility vehicle, van, wagn at high mobility vehicle. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.