Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BOC nasabat mga puslit na yosi sa Cotabato

0 45

Nasabat ng mga awtoridad ang nasa 12,500 ream ng iligal na yosi habang sakay ng isang truck sa Makilala, North Cotabato.

Sa ulat ng Bureau of Customs (BOC), nasamsam nila ang mga sigarilyo at agad na dinala sa Port Enforcement and Security Service.

Inaresto naman ang limang tao at kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Makilala Municipal Police Station para sampahan ng kaso.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Agad na rin umanong naglabas ng warrant of seizure at detention para sa mga smuggled item dahil sa paglabag ilang probisyon ng Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.

Nabatid na kasama ng mga operatiba ng BOC ang mga element ng pulisya sa Makilala nang masabat sa operasyon ang mga puslit na yosi.(Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.